Ito ang aming #kurokuro:

Karamihan ng mga amo, kung hindi man lahat, ay kampante na sa pag hire ng isang aplikanteng kasambahay kahit ito ay may NBI Clearance lamang. Pero ito din ay dapat nating tandaan na bago pa man magka RECORD ang isang tao sa NBI Clearance dadaan pa ito sa matindi, mahaba at matagal na kasuhan at demandahan.

At kung hindi kami nagkakamali, kadalasang malalaki at seryosong krimen din ang umaabot sa demandahan kaya naman yung mga maliliit na krimen ay kadalasan ding hindi na aabot or pinaabot pa sa demandahan. Dahil dito, mahirap kung hindi man imposible, magkakaroon ng RECORD ang isang tao sa NBI Clearance kahit paman siya talaga ay nakagawa ng isang krimen. Dito pumapasok ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Police Clearance maliban sa NBI Clearance.

Ang Police Clearance para sa amin ay mahalagang complementary security safeguard sa NBI Clearance dahil dito din naka rehistro kung ang isang tao ay nakagawa ng isang krimen, maliit man o malaki.

Kaya naman ang #LifemaideasyPH, noon pa man, mahigpit na sa pag require mula sa aming mga aplikante sa pag presenta ng APAT na mga requirements: Barangay Clearance, Police Clearance, NBI Clearance at PSA Birth or Primary ID. At para mas mapanatag pa ang aming mga kliyente, sinisikap din namin ang makapagbigay ng National Police Clearance (hindi lang local police clearance) dahil mas comprehensive ang pag check ng record ng isang aplikante sapagkat sa National Police Clearance, sakop ang lahat ng mga police stations sa buong Pilipinas.

Kaya sa pagkuha ng kasambahay mapa direct hiring man o sa agency tulad ng #LifemaideasyPH, ugaliing maging mabusisi sa pagkilatis ng mga dokumento lalo na sa paghingi ng mga requirements. Wag lang makampante sa NBI Clearance at di na bigyan importansya at halaga ang iba pang documents tulad ng Police Clearance, at Barangay Clearance dahil seguridad ng pamilya ninyo ang nakasalalay sa pagkuha ng tao na di nyo kaanu-ano.

At sa hirap ng buhay, makakaasa kayong sa bawat sentimo na lumalabas sa bulsa ninyo para ibayad sa aming serbisyo, kapanatagan naman ang kapalit nito.

Sa #LifemaideasyPH, garantisado kumpleto or #YourMoneyBack

Get to know us more:

Sales : 0917 777 9292
Support : 0998 510 6061
Email : hello@lifemaideasyphcorp.com
Website : lifemaideasyphcorp.com

Leave a Comment

Lifemaideasy - Your Maid of Choice
About Us

The Philippines' Maid Authority.
Your Maid Agency of Choice!

Lifemaideasy - Your Maid of Choice
Open Hours

Mon-Fri: 8 AM - 5 PM
Emergency Available!

Lifemaideasy - Your Maid of Choice
Contacts

Sotto-Yuvienco Bldg, General Luna
corner Gonzales St., Ermita Manila 1000
Nearest Landmark: Manila Medical Center
(UN LRT Station)

Phone: (63)998 557 0413
Email: hello@lifemaideasyphcorp.com

Newsletter

LifemaideasyPH © 2023 | All rights reserved. |  Terms of use and Privacy Policy